Paano ko nga ba sisimulan ang naumpisahan ko na?! Paano ko ba wawakasan ang di ko matapos tapos?! ay ang gulo...
Ang tagal ko din di nagblog, buwan din siguro inabot halos di ko na ito nasisilip man lang siguro nga kasi FULL TIME MOM na ako, sarap sabihin at pakinggan OO tama Mommy na ako sa isang napa bilog na bata at super bait. Isa lang masasabi ko di biro maging Mommy, Nanay, Ina, Inay, Mama in short Babae. Pero syempre di biro maging Magulang. Sa umpisa oo nahirapan ako at halos umiyak ako kasi kahit ilang beses ako dun mag simula sa huli di ko pa din matatama tama, gusto ko kasi magkaroon ng diskarte sa buhay yung tamang diskarte na wala akong napipinsalang oras, nagugulong tao. Laging mainit ulo ko kasi para bang uupo palang ako meron na naman kasunod na gagawin puro ako reklamo, puro ako init ng ulo narealize ko di pala yun makakatulong sa akin at sa mga tao nasa paligid ko na tumutulong sa akin at nagtuturo paano mag alaga ng baby kasabay ang pag aasikaso ng kailangan at gamit niya, halos isang buwan kong pasan pasan ang pag aaral at syempre sa huli nakaya ko na. Katulong din sa akin ng aking Asawa ang lahat ng bagay bagay na ginawa ko. Salamat din sa Lola ko at sa Mama ko na hanggang ngayon e katulong pa din naman ng asawa ko sa pag aalaga sa aming munting prinsesa. Pero ika nga nila may hangganan din ang lahat kaya Salamat kay mama sa pagtuturo at tulong sa akin siya kasi ay malapit ng umuwi sa amin sa Taytay.